Thursday, January 11, 2018

YORUBA : ANG PAGLIKHA
Mula sa The Big Myth, Distant Train. Inc
Salin-buod sa Filipino ni Jay-r Diacamos

Sa simula , mayroon lamang kalangitan sa itaas at katubigan sa ibaba. Ito ay pinamumunuan ng mga Orisha o mga Ispirito at mga Diyos. Si Olodumare, ang pinakamataas  na bathala ng Yoruba ay may dalawang magkapatid na panginoon na si  Olurun at Olokun. Sila ay inatasang pamunuan ang kanyang mga nilikha.
Si Olorun, ang diyos ng langit, kapayapaan at katarungan ang namumuno sa kalangitan sa itaas. Samantala, si Olokun, ang diyos ng tubig ay namumuno sa karagatan sa ibaba.
Isang araw, ang anak ni Olorun na si Obatala, ang panginoon ng Orisha at  Sangkatauhan ay nagpasyang lumikha ng kalupaan. Humingi siya ng payo sa kanayang ama at kay Orunmilla , ang sikat at matalinong  orisha .
“Kinakailangan mo ng mahaba at gintong kadena, isang  shell  o bahay ng suso na naglalaman ng  buhangin , isang puting manok , isang itim na pusa at buto ng palm nut” ang  payo ni Orumilla.
Matapos makuha lahat ng kagamitan ni Obatala nilagay niya ito sa malaking supot at nagsimulang bumaba  mula sa langit gamit ang mahabang gintong kadena.  Siya ay nagpatuloy nang nagpatuloy sa pagbaba ng mahabang oras hanggang maabot niya ang dulo ng kadena.
Sinimulang  ibuhos ni Obatala ang buhangin mula sa shell ng suso sa malawak na katubigan at hinagis ang puting manok na nagsimulang magbungkal at kumahig hanggang sa lumawak at kumalat ang buhangin sa ibat ibang direksyon na nagmistulang diserto.  Nang naglaon ang mga buhangin ay naging lambak at bundok.
Naisipan ni obatala na itanim ang binhin ng palm nut at makalipas ang ilang linggo ito ay tumubo at naging mga kagubatan.  Natuwa siya sa kanyang mga ginawa  at pinangalanan niya itong Ife, ang buhay na lupa. Siya ay nanahan rito kasama ang itim na pusa.
Ngunit, siya ay nainip ng ilang mga buwan kaya nagsimula siyang bumuo ng mga imahe mula sa luad, o basang lupa habang umiinom ng alak mula puno ng palm nut.
Siya ay nagpakalulong sa alak at nagpatuloy sa paghubog na mga pigurang kawangis niya. Matapos makita ang kaniyang nilkha, humiling siya sa kanayang ama si Olorun na bigyang buhay ang mga ito.
Sa sumunod na araw, nakita niyang may  buhay ang kanyang nilikha at napagtanto na hindi maayos ang pagkakahubog , mga pangit  , mga bulag at may  kapansanan ang mga ito.  Natakot si obatala sa kanyang mga nilkha at nangakong hindi na muling iinom ng alak at siya ay lumikha ng mga bago at maayos na nilalang na kawangis niya.
Habang tulog si Obatala , ang kanyang bagong nilikha ay binuhay at inayaos ni Olodumare at nagsimulang bumuo ng tahanan at mga siyudad sa Ife. Si Obtala ay naging hari ng mga ito at lahat ng mga Orisha at panginoon ay natuwa sa kanyang mga nilikha.
Maliban sa iisang diyos na si Olokun, ang naghahari sa karagatan na niminsan hindi kinunsulta  sa simula pa lamang ukol sa paglikha ng mundo at mga tao.
sa sobrang galit siya ay nagpadala ng malaking baha na  sumira sa lahat ng nilkiha ni Obatala.
Ang mga nakaligtas ay nagtungo sa mga pinakamataas na lugar at nagsumamao sa isang Orisha si Eshu , ispirito ng masasama at  nagsisilbing mensahero ng mga diyos at mga tao. Ang kaawang nilalang ay humihingi ng tulong kay Eshu, na umakyat sa langit at ipagbigay alam ang nangyayari sa kanila.
Ngunit sa isang kasunduan, kainilang nilang magsakripisyo ng isang nilikha ni obatala bago siya magbihay ng mensahe. Ang mga tao ay nag-alay ng isang handog na tupa at si Eshu ay tinupad ang kasunduan.
Nang malaman ito ni Orunmilla, siya ay bumamaba sa mundo gamit ang gintong kadena at nagsumite ng mahika para humupa ang baha.
 “Malaking Baha, Ikaw ay mawala, sanhi ka ng kawala ng pag-asa” at kumalma ang katubigan  at lumitaw ang mga tuyong Aprikano.
Matapos ang malaking baha, lahat ng mga nakaligtas ay nirespeto na ang karagatan.
Courtesy;


No comments:

Post a Comment

The Zoroastrian Creation Story ni Rebecca Cann Salin-buod sa Filipino ni Jay-r Diacamos Sa simula, walaang anuman ang nabubuhay...