Mitolohioya ng Ehipto:
Ang Paglika at Alamat ni Ra At Hathor
Mula sa The Big Myth, Distant Train. Inc at mula sa panulat ni Leonora Viray Vitug
Salin-buod sa Filipino ni Jay-r Diacamos
Naniniwala ang mga Ehipsiyo at mga Ehipsiya , bago pa magsimula ang
panahon, ay may nag-iisang umiiral ang Nun, pinakaunang katawan ng mga katubigan. Sa
mismong oras ng paglikha, lumitaw si Atum , sa pamamagitan ng pagsasabi ng
kanyang pangalan siya nabuhay. Siya ang
panginoon na manlilikha at supremo o pangunahing panginoon. Hindi matukoy ang
kanyang kasarian at mayroong siyang
iisang mata na kayang lumibot sa sansinukob.
Si Atum ay ang pinakamalakas na diyos at nakakapag-ibang anyo. Ang
kaniyang kapangyarihan at ang sikreto nito ay nakalagay sa kanyang nakatagong pangalan;
“Ako si Khepera sa pagsikat ng araw, Ra sa tanghali, at Atum sa gabi” ani niya.
Tapos sumikat ang araw, dumaan sa langit, at lumubog sa unang pagkakataon .
Si Atum , Ra o Re ay nilikha upang
magdala ng liwanag sa daigdig, at para likhain din ang iba pang mga diyos at
diyosa ng Sinaunang Ehipsiyo. Mula sa kanyang pagsasabi ng pangalan siya ay
nagkakaroon ito ng buhay. Unang niyang
nilikha , ang isang bunton ng lupa o putik, ang ben-ben, upang pagtayuan
niya.
Sa pamamagitan ng paghinga, binigyang buhay ang diyos na si Shu, diyos ng hangin at sa pamamagitan ng
pagdura , lumabas si Tefnut, ang diyos
ng ulan. Sila ay inatasang waksihin ang
kaguluhan at magtagusod ng mga pamantayang batas, kaayusan at kapayapaan . Kalaunan ito ay tinawag na Maat, isang
prinsipyo ng buhay at sumisimbulo ng
isang puting pakpak , ang liwanag at kalinisan.
Sina Shu at Tefnut ay nagsilang ng dalawang anak, ang Diyos ng lupa si Geb
at ang dyosa ng kalangitan si Nut. Ang dalawa ay hindi mapaghiwalay sa isa’t
isa kaya sa prinsipyo ng Matt sila ay
ipinaghiwalay para magampanan ang kanilang tungkulin. Sa pamamagitan ni shu, ang
diyos ng hangin , itinulak niya pataas si Nut at nagmistulang mga
kalangitan at si Geb ay nanatili sa ibaba at
nagmistulang kalupaan. Si Nut ang
lumilikha ng ulan para kay geb upang mabuhay lahat ng bagay sa kalupaan.
Si Geb at Nut naman ay nagkaanak ng apat
na mas batang mga panginoon, sila ay si Osiris, Isis, Nephthys, at Seth.
Si Osiris ang sumisimbolo sa kabaitan , si Seth naman ang naging diwa ng
kasamaan , Isis ang diyosa ng poagkabuhay at ina at Nephthys ang diyosa ng kapanganakan at
kamatayan . Sila ay kabilang sa “The Ennead” o siyam na pangunahing
Diyos ng Ehipto.
Pagkatapos nito pinangalanan ni Ra ang lahat ng bagay sa mundo, at sila ay
lumaki. Ang pinakahuli niyang pinangalanan niya ang sangkatauhan, at nagkaroon
ng mga kalalakihan at kababaihan sa Ehipto mula sa kanyang mga luha.
Nag-anyong tao si Ra sa katauhan ni Amun- Ra at naging pinakaunang pharaoh. Pinamunuan niya ang buong bansa ng Ehipto sa maraming taon, at nagbigay siya ng mga
masasaganang ani para purihin siya ng mga ito. Ngunit, dahil siya ay naganyong
tao, tumanda si Ra. Siya ay nagalit sa mga tao sapagkat naririnig niya nag
ginagawang pambabastos at insult sa kanya.
Nagalit si Ra dahil sa mga ginagawa ng sangkatauhan kaya pinulong niya ang mga diyos at diyosa na ng palihimkanyang
ginawa. Tinawag niya din ang kanyang ama
na si Nun at nagwika “ Ako ang iyong anak na humihingi sa iyong tulong at payo.
Mangusap ka ngayon sa akin kung ano ang aking nararapat gawin? Ang mga tao ay
lubhang nagagalit sa akin at ako’y kanilang binabastos at iniinsulto, ngunit
hindi ko sila papatayin maliban kung makiusap ka sa akin.” At sa sumagot si Nun, “Ikaw ay dakilang diyos
at mas malakas sa akin, ikaw ang anak na mas higit ang kapangyarihan kaysa sa
kanayang ama. Marapat lang na bigyan ng matinding salanta ang mga tao. Ipadala
mo ang iyong mga mata upang hindi makapagtago ang mga tao.
Sa pamamagitan ng pagtingin ni Ra nabuhay si Sekhmet, ang pinakamabangis
sa lahat ng mga diyos at diyosa. Nagtungo so Sekhmet sa lugar ng mga tao upang
mag-aklas ng takot sa puso ng mga ito. Tumingin
si Ra sa ginawa ni Sekhmet sa mga tao at ang puso niya ay napuno ng awa. Gusto
niya nang patigilin si Sekhmet ngunit walang kahit sino man ang makakapigil sa
kanya sa pagpatay.
Matapos ang minimithing paghihiganti, bumalik si Sekhmet kay ra at
sinabing “Ako ang pinakadakilang higit sa sangkatauhan sa daigdig at mas
makalulugod sa akin kung ako’y makakatikim ng dugo.”
Kaya gumawa si Ra ng paraan upang malinlang si Sekhmet na handang wasakin
ang sangkatauhan. Humingi siya sa kanyang mga alagad ng libo- libong alak na
nakalagay sa bote at kinulayan ng pula gamit ang mandrogada o halaman.
Kinaumagahan, ang alak na mukhang dugo ay ibinuhos ito sa lugar kung saan
pumapatay si Sekhmet. Dumating si Sekhmet
at inakala na dugo ito kaya niya ito iniinom nang iniinom hanggang siya ay malasing.
Sa sobrang kalasingan siya ay nakatulog at bumalik sa pinaroroonan ni Ra. Nang
bumalik si Sekhmet kay Ra, pinalitan siya ng pangalan, ang pangalan na ito ay
Hathor, ang diyos ng kaligayan at pag-ibig.
Pagkatapos nito nagkaroon ng malubhang sakit si Ra at umalis papuntang
kalangitan at si Shu ang sunod na namuno sa mga tao.
No comments:
Post a Comment