EPIKO NI GILGAMESH
Saling-buod sa
Filipino ni Jay-r C. Diacamos
Tabletang Una
Ang kuwento ay
nagsisimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Siya ay kalahating diyos at tao o isang demigod
. Siya ay pinakamalakas na lalaki at pinakatanyag na hari sa buong mundo. Subalit
, tinatrato niya ng masama ang
mga tao. Hanggang sa ang mga ito ay umiiyak sa mga diyos na si Anu para tulungan.
Para sa mga babae ng
Uruk, ang pang-aaping ito ay may anyong droit de seigneur — o "karapatan ng
panginoon" na makipagsiping sa mga bagong ikinasal na babae sa
kanilang gabi ng kasal. Para sa mga lalake (ang tableta ay napinsala sa puntong
ito), ipinagpalagay na ang mga ito ay pinapagod ni Gilgamesh sa pamamagitan ng
mga laro, pagsusubok ng lakas o marahil ay pwersahang pagtatrabaho sa mga
proyekto ng pagtatayo.
Ang mga Diyos ay tumugon sa mga pagsusumamo
ng mga ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang katumbas kay Gilgamesh. Si Anu
, ang punong bathala ng lunsod ay
lumikha ng isang primitibong tao na si Enkidu na
siyang inilagay sa marahas at mabagsik na gubat na siyang pumapalibot sa
lupain ni Gilgamesh. Siya ay mabangis tulad na mga hayop at nabubuhay sa Parang kasama ng mga hayop. Siya ay hindi
sibilisadong tao, umiinom lamang siya ng tubig at kumakain ng damo.
Isang Araw, siya ay
nakita na tumatakbong hubo ng isang
tagapagbitag na ang kabuhayan ay nawasak dahil binubunot ni Enkidu ang
kanyang mga bitag. Sinabi ng tagapagbitag kay Gilgamesh ang tungkol sa lalake
at inihanda kay Enkidu para akitin ang isang patutot o isang bayaring babae .
Ang pang-aakit kay
Enkidu ni Shamhat na isang patutot
ng templo ang kanyang unang hakbang tungo sa kabihasnan at pagkatapos ng pitong
araw ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay nagmungkahi na ibalik siya sa Uruk.
Samantala, si
Gilgamesh ay nagkaroon ng dalawang panaginip. Sa Kaniyang unang panaginip,
may isang bato raw na nahulog mula sa kalangitan. Lubha itong napakalaki na
hindi mabuhat ni Gilgamesh. Nagtipon ang mga tao at nagbunyi sa palibot sa bato
habang si Gilgamesh naman ay yumakap dito subalit ang kanyang ina, ang bathala
si Rimat-Ninsun ay mahigpit na
tumutol. Sa pangalawang panaginip, may isang palakol ang lumitaw sa pinto ni Gilgamesh.
Napakalaki nito na hindi niya maialis. Nagtipon ang mga tao at nagbunyi sa
palibot ng palakol at yumakap si Gilgamesh dito katulad ng pagyakap niya sa
isang asawa subalit tumutol muli ang kanyang ina.
Matapos niyang
managinip ukol ditto, tinanong niya ang kanyang ina kung ano ang ibig sabihin
ng mga panaginip , sinabi ng kanyang ina na isang lalaking napakalakas ang
darating sa uruk at yayakapin niya tulad
ng pagyakap niya sa isang asawa at magkasama sila gagawa ng tanyag na mga
gawain.
Tabletang Dalawa
Pagkatapos
magsiping nina Enkidu at Shamhat, ang mga mabangis na hayop ay
hindi na tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si
Enkidu ay naging tulad ng isang diyos. Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung paano
manamit at kung paano kumain. Nawala kay Enkidu ang kanyang lakas at pagkabangis bagkus nagkaroon siya ng kaalaman
at pang-unawa sa tulong ni Shamhat.
Sa pagkakaalam mula sa isang dumadaang dayuhan tungkol sa
pagtrato ni Gilgamesh sa mga bagong kasal, si Enkidu ay nagalit at naglakbay
tungo sa Uruk upang mamagitan sa isang kasal.
Nang tangkain ni Gilgamesh na
dalawin ang silid ng kasalan, hinarang ni Enkidu ang kanyang daanan at sila ay
nag-away.
Pagkatapos ng mabangis na paglalaban, natalo
si Enkidu at kinilala ang superior na lakas ni Gilgamesh at sila ay mabilis na naging
magkaibigan.
Nang mainip ang dalawa sa pamumuhay
sa siyudad, si Gilgamesh ay nagmungkahi ng isang paglalakbay sa Kagubatang Cedar at nakawain ang mga punong cedar na ipinagbabawal sa mga mortal at upang paslangin
ang kalahating-diyos at kalahating-leon na si Humbaba, ang tapat na
tagapaglingkod ni Enlil ang diyos
ng lupa at hangin na siyang nagbabantay sa gubat Sa kabila ng mga babala mula kay Enkidu at sa
konseho ng mga Matatanda, si Gilgamesh ay hindi pipigilan at upang magkamit
siya ng kasikatan at katanyagan
Tabletang Tatlo
Ang mga matanda si Lugalbanda, ama ni Gilgamesh ay
nagbigay ng payo kay Gilgamesh para sa kanyang paglalakbay. Dinalaw ni
Gilgamesh ang kanyang ina na diyosang si Ninsun na naghahanap ng
suporta at proteksiyon ng diyos na araw na si Shamash para sa kanilang paglalakbay. Inampon ni Ninsun
si Enkidu bilang kanyang
anak at si Gilgamesh ay nag-iwan ng mga instruksiyon para sa pamamahala ng
lungsod ng Uruk sa kanyang
kawalan.
Tabletang Apat
Ang Dalawang bayani ay naglakbay
tungo sa Kagubatang Cedar ng Lebanon. Sa bawat ilang mga araw, sila ay nagkakampo sa
isang bundok at nagsasagawa ng isang ritwal ng panaginip. Si Gilgamesh ay
nagkaroon ng limang mga nakakatakot na panaginip tungkol sa pagkahulog sa
mga bundok, mga kulog, mga mababangis na toro at isang ibong kidlat
na humihinga ng apoy.
Sa kabila ng mga pagkakatulad sa
pagitan ng mga pigura sa kanyang panaginip at sa mas naunang mga deskripsiyon
ni Humbaba, binigyang kahulugan ni Enkidu ang mga panaginip na ito bilang mga
mabubuting omen at itinanggi na ang nakakatakot na mga larawan ay
kumakatawan sa bantay ng kagubatan.
Habang sila ay papalapit sa bundok
Cedar, kanilang narinig si Humbaba
na sumisigaw at kinailangang hikayatin ang bawat isa na huwag matakot.
Tabletang Lima
Ang mga bayani ay pumasok sa Kagubatang
Cedar. Si Humbaba na bantay-ogre ng Kagubatan Cedar ay uminsulto at nagbanta sa
kanila. Inakusahan niya si Enkidu ng pagtatraydor at nangakong aalisan ng
lamang loob at ipapakain ang kanyang laman sa mga ibon. Natakot si Gilgamesh
ngunit sa ilang nakakahikayat na mga salita ni Enkidu, ang labanan ay
nagsimula.
Ang mga kabundukan ay lumindol nang may
kaguluhan at ang langit ay naging itim. Ang diyos na si Shamash ay nagpadala ng
13 mga hangin upang itali si Humbaba at siya ay nahuli. Ang halimaw ay
nagsumamo para sa kanyang buhay at naawa si Gilgamesh sa kanya. (1 P)
Gayunpaman, si Enkidu ay nagalit at
hiniling kay Gilgamesh na patayin ang halimaw. Sila ay parehong sinumpa ni
Humbaba at pinatay siya ni Gilgamesh sa pamamagitan ng isang suntok sa leeg.
Pinutol ng dalawang bayani ang
maraming mga Cedar kabilang ang isang higanteng puno na pinaplano ni Enkidu na
hugisin sa isang bakuran at tarangkahan para sa templo ni Enlil at ang iba naman ay ginawang isang balsa at naglayag pauwi
sa kahabaan ng Euphrates kasama ng isang higanteng puno at ulo ni Humbaba.
Tabletang Anim
Sa kanilang pagbabalik, Itinakwil ni
Gilgamesh ang mga pang-aakit ng diyosang si Ishtar, dahil sa kanyang masamang pagtrato sa mga nakaraang
mangingibig nito gaya ni Tammuz- ang diyos ng pagkain at mga halaman.
Hiningi ni Ishtar , ang diyosa ng
pag-ibig at pagkabuhay sa kanyang
ama na si Anu, ipadala si Gugalana na toro ng
langit upang ipaghiganti siya. Nang itakwil ni Anu ang kanyang mga reklamo,
nagbanta si Ishtar na bubuhayin ang mga patay na mas madami sa mga nabubuhay at
lalamunin sila. (2P)
Natakot si Anu at sumuko sa kanya.
Dinala ni Uruk ang Toro ng langit tungo sa Uruk at ito ay nagsanhi ng
malawakang pamiminsala. Ibinaba nito ang mga lebel ng Ilog Euphrates at pinatuyo ang
mga basang lupain. Ito ay nagbukas ng malalaking mga hukay na lumamon ng 300
mga lalake.
Nang walang anumang tulong ng diyos,
inatake at pinaslang nina Enkidu at Gilgamesh ang toro. at inalay ang puso nito
kay Shamash.
Ang siyudad ng Uruk ay nagdiwang ngunit si Enkidu
ay nagkaroon ng panaginip na masama.
Tabletang Pito
Sa panaginip ni Enkidu, ang unang
panaginip, ang mga diyos ay nagpasya na ang isa sa mga bayani ay dapat
mamatay dahil kanilang pinatay si Humbaba at ang Toro ng langit.
Nang dahil dito, nagtipon –tipon ang
diyos ang mga diyos at nagkasundo parusahan ang isa sa mga magkakaibigan dahil
sa kanilang katampalasan. Sa kabila ng mga pagpoprotesta ni Shamash, si Enkidu
ay minarkahan para sa kamatayan.
Bago bawian ng buhay si Enikidu, Sinumpa
niya ang dakilang pinto na kanyang hinugis para sa templo ni Enlil. Kanya ring
sinumpa ang tagabitag at si Shamhat dahil sa pag-aalis sa kanya mula sa parang.
Pinaalalahanan ni Shamash si Enkidu na si
Gilgamesh ay magkakaloob ng mga dakilang parangal sa kanya, sa kanyang puneral
at gagala sa parang na nalamon ng
lungkot.
Nalungkot si Enkidu sa kanyang mga
sumpa at pinagpala si Shamhat.
Gayunpaman, sa ikalawang
panaginip, nakita niya ang kanyang sarili na nabihag sa daigdig ng mga
patay ng isang nakakatakot na anghel ng kamatayan.
Ang daigdig ng mga patay ay isang bahay ng
alikabok at kadiliman na ang mga naninirahan dito ay kumakain ng putik at
nadadamitan ng mga balahibo ng ibon at pinangangasiwaan ng mga nakakatakot na
nilalang.
Sa loob ng 12 araw, ang kondisyon ni
Enkidu ay lumala. Sa huli, siya ay namatay.
Tabletang Walo
Nagluksa nang husto si Gilgamesh at
naghatid ng isang panaghoy para kay Enkidu kung saan ay tumawag siya sa mga
kabundukan, mga kagubatan, mga parang, mga ilog, mga mababangis na hayop at sa
lahat ng Uruk upang magdalamhati para sa kanyang kaibigan.
Sa pag-alala sa kanilang magkasamang
paglalakbay, hinatak ni Gilgamesh ang kanyang buhok at nagdamit sa
pagdadalamhati.
Siya ay nagkomisyon ng isang estatwang
puneraryo at nagbigay ng mga regalo sa libingan mula sa kanyang lalagyan ng
kayamanan upang masiguro na si Enkidu ay may isang kanais nais na pagtanggap sa
sakop ng mga namatay.
Ang isang malaking piging ay idinaos
kung saan ang mga kayamanan ay inalay sa mga diyos ng daigdig ng mga patay.
Bago ang patid sa teksto, may
mungkahi na ang ilog ay sinumpa na nagpapakita ng isang paglilibing sa isang
kama ng ilog gaya ng sa tumutugong tulang Sumeryo na Ang Kamatayan
ni Gilgamesh.
Tabletang Siyam
Sa tindi ng pagdadalamhati ni
Gilgamesh sa pagkamatay ng kaniyang matalik na kaibigan, nagtungo siya sa parang o kagubatan na nadadamitan ng mga
balat ng hayop at sa takot sa kanyang sariling kamatayan, nagpasya siyang
hanapin si Utnapishtim, ang itinuturing na Noah
sa Mesopotamia.
Nais niyang alamin ang sikreto ng
walang hanggang buhay na ipinagkalaoob sa kaniya ng mga diyos matapos ang
matinding baha. Kabilang sa mga ilang
nakaligtas sa Malaking Baha, si Utnapishtim at ang kanyang asawa ang tanging mga tao na binigyan ng
walang buhay ng mga diyos.
Sa kanyang paglalakbay, napadpad
siya sa kambal na bundok na kung tawagin ay Mashnu kung saan ang araw ay lumulubog sa isang bahagi ng bundok
kapag sumasapit ang gabi at sumisikat
naman sa kabila bahagi kapag sumapit na ang umaga.
Si Gilgamesh ay tumawid sa daaanang
bundok sa gabi at naengkwentro ang isang mapagmataas na mga leon. Bago matulog,
siya ay nanalangin para sa proteksiyon sa diyos na buwan na si Sin.
Pagkatapos, sa pagkakagising mula sa
isang nakakahikayat na panaginip, kanyang pinatay ang mga leon at ginamit ang
mga balat nito para pandamit.
Pagkatapos ng isang mahaba at
mapanganib na paglalakbay, siya ay dumating sa mga kambal na tuktok ng
Bundok Mashu sa wakas ng daigdig.
Kanyang nakita ang isang lagusan, walang
tao ang kailanman pumasok rito na binabantayan ng dalawang mga nakatatakot na taong-alakdan.
Sa kompletong kadiliman, kanyang sinundan ang
kalsada para sa 12 mga dobleng oras at nagawang makompleto ang
paglalakbay bago siya maabutan ng araw.
Siya ay dumating sa Hardin ng mga diyos na isang paraisong
puno ng mga punong nahihiyasan.
Tabletang Sampu
Matapos niyang mangapa sa madilim na
lagusan, nasumpungan ni Gilgamesh ang napakagandang hardin sa tabi ng dagat.
Doon nkatagpo niya si Siduri na
nakatakip ng belo na tagapagbantay ng
inuman. Sinabi ni Gilgamesh ang layunin ng kanyang paglalakbay.
Tinangka niyang pigilan si Gilgamesh
na ang kanyang paghahanap sa walang hanggang buhay ay lubhang mapanganib at
nararapat lamang siyang tumalikod. Ngunit hindi mapigilan si Gilgamesh kanyang
winasak ang mga higanteng bato, kaya itinuro niya si Gilgamesh kay Urshanabi, ang tagasagwan at tutulong
sa kanyang tumawid sa dagat tungo kay Utnapishtim.
Nang magkita ang dalawa, Kanyang
sinabi sa kanya ang layunin ng kanyang paglalakbay ngunit nang kanyang hingan
ng tulong ipinagbigay alam sa kanya ni Urshanabi
na kawawasak lamang niya ng mga tanging nilalang na maaaring tumawid sa mga
Katubigan
ng Kamatayan na nakamamatay sa paghipo.
Itinuro ni Urshanabi kay Gilgamesh
na putulin ang 300 mga puno at hugisin ang mga ito sa mga polong bangka.
Nang kanilang maabot ang isla ng Dilmun
kung saan nakatira si Utnapishtim, isinaad ni Gilgamesh ang kanyang kuwento na
humihingi ng kanyang tulong.
Tabletang Labingisa
Napagmasdan ni Gilgamesh na si Utnapishtim ay tila hindi iba sa
kanyang sarili at itinanong sa kanya kung paano makakamit ang walang
hanggang buhay.
Ipinaliwanag ni Utnapishtim na ang
mga diyos ay nagpasya na magpadla ng isang malaking baha.
Upang iligtas si Utnapishtim, ang
diyos na si Ea, ang diyosa ng
karunungan ay nagsabi sa kanyang magtayo ng isang bangka. Ang kanyang buong
pamilya ay sumakay kasama ang at anak ng bawat buhay sa mundo. Ang isang
marahas na bagyo ay lumitaw na nagsanhi sa mga takot na diyos na umurong sa mga
langit.
Nagdalamhati si Ishtar sa malawak na
pagkawasak ng sangkatauhan at ang ibang mga Diyos ay tumangis sa tabi niya. Ang
bagyo ay tumagal ng anim na araw at gabi kung saan pagkatapos ay ang
"lahat ng mga tao ay naging putik".
Si Utnapishtim ay tumangis nang kanyang makita
ang pagkawasak. Ang kanyang bangka ay lumapag sa isang bundok , ang Bundok
Nisir (Pir Magrun sa Iraq) at nagpalipad ng isang kalapati, isang layang-layang at isang uwak.
“Ako ay nagpadala ng isang kalapati
at pinalipad siya. Ang kalapati ay lumipad pabalik balik ngunit dahil walang
pahingahang lugar para sa kanya, siya ay bumalik. At pagkatapos ay nagpadala
ako ng layang layang at pinalipad siya. Ang layang layang ay lumipad pabalik
balik ngunit dahil walang pahingahang lugar sa kanya, siya ay bumalik.
Pagkatapos ay nagpadala ako ng isang uwak at pinalipad siya. Ang uwak ay ay
lumipad papalayo at nakita ang pagbawas ng mga tubig. Siya ay lumapag upang
kumain, lumipad papalayo at hindi na bumalik.”
Nang mabigo ang mga uwak na bumalik, kanyang
binuksan ang kanyang arko at pinalaya ang mga nakatira dito.
Si Utnapishtim ay naghandog ng insenso, naamoy ng mga diyos ang
matamis ng amoy at nagtipon. Si Ishtar
ay dumating at itinaas ang kanyang kwintas ng mga dakilang hiyas (bahaghari)
bilang pag-ala ala sa dakilang baha.
Nang dumating si Enlil na galit na may mga nakaligtas,
kanyang kinondena siya sa pagpukaw ng baha. Kinastigo rin ni Ea siya sa pagpapadala ng hindi pantay
na parusa.
Pinagpala ni Enlil si Utnapishtim
at ang kanyang asawa at biniyayaan sila ng walang hanggang buhay.
( Ang salaysay na ito ay tumutugma sa kuwento
ng baha na nagtatapos ng Epiko ni Atra-hasis. )
Hinamon ni Utnapishtim si Gilgamesh
na manatiling gising sa loob ng anim na araw at pitong gabi. Nakatulog si
Gilgamesh at inutusan ni Utnapishtim ang kanyang asawa na maghurno ng tinapay
sa bawat mga araw na siya ay tulog upang hindi niya maitanggi ang kanyang
kabiguan na manatiling gising. Si Gilgamesh na naghahangad na matalo ang
kamatayan ay hindi malabanan kahit ang pagtulog.
Pagkatapos utusan ni Urshanabi na hugasan si Gilgamesh at damitan siya sa mga damit ng
hari, sila ay bumalik sa Uruk.
Habang sila ay lumilisan, ang asawa
ni Utnapishtim ay humiling sa kanyang asawa na mag-alok ng regalong paglisan.
Sinabi ni Utnapishtim kay Gilgamesh
na sa ilalim ng dagat ay may nakatirang isang tulad ng boxthorn na halaman na magpapabatang muli sa
kanya.
Sa pagtatali ng mga bato sa kanyang
mga paa upang makalakad sa ilalim, ay nagawa ni Gilgamesh na makuha ang
halaman.
Kanyang nilayong subukin ito bilang
isang matandang tao kapag nakabalik siya sa Uruk. Sa kasawiang palad, nang
huminto si Gilgamesh upang maligo, ito ay ninakaw ng isang ahas na naglaglag ng balat nito
habang lumilisan.
Si Gilgamesh ay tumangis sa kawalang
kabuluhan ng kanyang mga pagsisikap dahil ngayon ay nawalan na siya ng lahat ng
mga pagkakataon sa walang
hanggang buhay.
Tabletang Labingdalawa
Nang makabalik si Gilgamesh sa Uruk,
wala siyang nadala subalit nakipagkasundo muli sa kanyang kamatayan. Alam
niyang hindi siya maaaring mabuhay nang walang hanggang subalit hindi ang
sangkatauhan. Ngayon nakita niya ang lunsod ng kanyang iniwan sa gitna ng
kaniyang pighati ay muling naging kahanga-hanga at tanyag- pinakmalapit sa
buhay na walang hangan na siyang hinahangad ninuman.
Ang huling tableta ay iminungkahi na
ang layunin ay ipaliwanag at ipaunawa kay Gilgamesh at sa mga mambabasa ang
iba't ibang mga kapalaran ng buhay, ang langit at lupa ay hiniwalay at ang mga
tao ay nilikha.
Ang tableta ay nagwawakas kay Gilgamesh na
nagtatanong kay Enkidu tungkol sa kanyang mga nakita sa daigdig ng mga patay.